O kay tagal na natin nagkakalayo Nung tayo'y magkahiwalay ako'y musmos At sa hardin ng kabataan nangako't nagpaalam At hinagkan kita may gatas pa sa labi
Ewan ba saan napunta ang panahon Sa hanapbuhay buhay ko'y nakatuon Sa bayan ng mga banyaga Ako ay manggagawa Pag-ibig ko sa'yo iniirog
Ohh kay layo mo Di maabot nitong mga kamay Walang tulay na kayang tumawid Sa mga taon kundi ang alaala
Alam ko nang ating mukhay may guhit na Mga dinanas natin ay magka-iba Ngunit sa'king pagbabalik Sariwa ang halik, halik sa 'yong dibdib Bayan ko
Ako ngayon ay pauwi at napapangiti Pagkat malaon na oh bayan ko
Ohh kaylapit na Ako'y sabik na makapiling ka Sa pagdating may luha ma't wala Akoy sisigaw at hahalik sa lupa ohhh
Kay tagal na nating magkakalayo Noong tayo'y nagkahiwalay ako'y musmos Ngunit ngayon ay pauwi at napapangiti Pagkat malaon na sinta Ako ngayon ay pauwi at napapangiti At hahalik sa'yo bayan ko