Araw-araw ikaw ang gusto kong kasama Buhay ko'y kumpleto na tuwing nandidito ka Sa tabi ko, oh aking giliw, 'di pa din ako makapaniwala Na ang dati kong pangarap ay katotohanan na
Ikaw ang tanging inspirasyon At basta't nandito ka, ako'y liligaya
Dahil sa'yo, ako'y matapang Dahil sa'yo, ako'y lalaban Para sa'yo, pagmamahal na walang katapusan Dahil sa'yo, mayro'ng pangarap Pagmamahal ko sa iyo'y tapat Para sa'yo, pagmamahal na higit pa sa sapat
Gagawin ko ang lahat para lang sa'yo, sinta At basta't nandito ka, ako'y liligaya
Minu-minuto, naghihintay ng tawag mo Marinig lang boses mo, masaya't kuntento na ako Wala nang iba pang hahanapin, basta't ikaw ang aking kapiling Lahat magagawa dahil kasama ka
Ikaw ang tanging inspirasyon At basta't nandito ka, ako'y liligaya
Dahil sa'yo, ako'y matapang Dahil sa'yo, ako'y lalaban Para sa'yo, pagmamahal na walang katapusan Dahil sa'yo, mayro'ng pangarap Pagmamahal ko sa iyo'y tapat Para sa'yo, pagmamahal na higit pa sa sapat
Gagawin ko ang lahat para lang sa'yo, sinta At basta't nandito ka, ako'y liligaya
Ipinagdarasal ko nang sobra na sana'y tanggapin mo aking inaalay Na pasasalamat sa pagliliwanag ng buhay kong ito Na dati-rati'y 'di gan'to na kay ligaya Oh, tanggapin ang regalo Oh, mga rosas at choco Liliwanag din ang buhay mo 'pag nilabas ko na ang puso ko
Ikaw ang tanging inspirasyon Sa bawat araw na haharapin Gagawin ko ang lahat para lang sa'yo, sinta At basta't nandito ka, ako'y liligaya Dahil sa'yo, ako'y matapang Dahil sa'yo, ako'y lalaban Para sa'yo, pagmamahal na walang katapusan Dahil sa'yo, mayro'ng pangarap Pagmamahal ko sa iyo'y tapat Para sa'yo, pagmamahal na higit pa sa sapat Gagawin ko ang lahat para lang sa'yo, sinta At basta't nandito ka, ako'y liligaya